stargenz (stargenz) wrote in writestuffclub,
stargenz
stargenz
writestuffclub

walang iwanan at iwas

walang iwanan
minsan may pangakong binitawan
kahit kailan daw ay walang iwanan
pero parang ang hirap paniwalan
dahil napakalayo sa katotohanan
natuto akong maging palaban
at huwag basta basta maapakan
sa pangakong walang iwanan
sus! hindi ko na paniniwalaan.

iwas
hindi ko malaman
kung ano ba ang nararamdaman
damdamin ko sa iyoy di ko maunawaan
bakit nga ba ako'y naguguluhan
at damdamin sa iyo'y pilit iniiwasan
pero kahit anog gawin para maiwasan
hindi ko pa rin matakbuhan
ang damdaming ito sa iyo'y iniaalay
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
  • 0 comments